Wanted na may kasong 5 counts of rape, arestado

Kalibo, Aklan – Arestado sa isinagawang manhunt operation ng Malay PNP at Kalibo PNP ang isang wanted nitong Lunes dito sa Kalibo, Aklan.
Ang akusado ay kinilalang si Edwin Nila Rose, 54-anyos, tubong Graciosa, Pilar, Capiz at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Mobo.
Si Rose ay inaresto ng mga kapulisan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 counts of Rape na nangyari sa bayan ng Malay.
Walang piyansa na itinakda ang korte sa isang kaso na may Criminal Case No. 15361, habang tag Php 200,000 naman ang piyansa kada isa sa apat pang kaso.
Sa ngayon ay nakapiit na si Rose.

Facebook Comments