WANTED | Suspek sa pananambang at tangkang panghoholdap sa isang kolektor sa Capiz, patuloy na pinaghahanap

Capiz – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pananambang at tangkang panghoholdap sa isang kolektor sa Barangay Ondoy, Ivisan, Capiz.

Sa ulat, sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktimang si Arthur Armillo nang tambangan ng hindi pa nakilalang suspek na nakasuot ng itim na jersey at may bitbit na sling bag.

Agad na tinutukan ng suspek ang biktima sabay deklara ng holdap kung saan nakuha sa kaniyang pera.


Nakatakbo ang biktima pero binaril ito ng suspek at maswerteng hindi ito napuruhan o nasugatan dahil sa suot na helmet.

Mabilis namang tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo ng biktima na inabandona din nito sa kalapit na barangay.

Facebook Comments