War on drugs, hindi pa matatapos ayon kay Pangulong Duterte

26

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na malayo pa ang lalakbayin ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), iginiit ni Pangulong Duterte na kinakaharap ng bansa ang problemang ilang dekada nang sinosolusyonan.


Maraming pamilya na ang sinira ng ilegal na droga at winasak na nito ang ‘moral fiber’ ng lipunan.

Nagdeklara siya ng giyera laban sa ilegal na droga dahil mahal niya ang kanyang bansa.

“We launched an unprecedented war against illegal drugs to destroy their apparatus that permitted every level and sector of society,” ayon sa pangulo

“We waged war on the manufacturers, the financials, the suppliers, the peddlers, and the entire syndicate, and more importantly, their protectors in government,” ani Pangulong Duterte.



Bukod sa paghabol sa drug personalities, bahagi rin ng programa ng pamahalaan na sagipin ang mga lulong sa droga.

“Our unyielding campaign led to the surrender of millions of drug dependents and neutralization, capture, and prosecution of drug personalities,” anang pangulo.


Sa ilalim ng drug war, marami aniyang drug syndicates, drug laboratories at drug communities ang nabuwag, at naputol din ang narcopolitics.

Facebook Comments