Ibang approach ang ipatutupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kontra iligal na droga.
Ayon sa pangulo, tuloy ang war on drugs ngunit magiging iba ang pagtugon dito na kung saan ay mabibigyang diin sa panibagong style ng paglaban sa droga ay ang pagtuturo sa mga bata ng masamang epekto ng illegal drugs.
Pati aniya sa panig ng law enforcement ay bumubuo na ng approach sa kung paano ilalatag ang giyera sa droga sa kanilang hanay at sa katunayan ay bumabalangkas na ng polisiya kaugnay dito.
Sinabi pa ng pangulo na tinitingnan nila sa mas mataas na antas ang problema ng droga sa bansa habang may ilalatag din aniya ang gobyerno na programa para sa rehabilitasyon.
Sinisiguro ng pangulo, tinutugunan ng gobyerno ang problema sa droga at ginagawa nila ito internally o tahimik lamang kasabay ng paglalatag ng mga bagong pamamaraan para ito ay labanan.