Namataan ng isang residente ang namuong ipo-ipo sa Batangas bay nitong Martes ng hapon.
Sa kuhang video ni Limuel Mendoza Eje, agaw-pansin ang pagsulpot ng ipo-ipo na sinabayan pa ng malakas na hangin. Tanaw aniya ito sa labas ng kanilang tirahan sa Barangay Tabangao Aplaya, Batangas City.
Nang mawala ang ipo-ipo ay biglang umulan ng malakas sa lugar at naging sunud-sunod ang pagkulog at pagkidlat.
Ayon sa PAGASA, nabubuo ang water spout o ipo-ipo sa mga anyong tubig kagaya ng lawa o dagat tuwing masama ang panahon.
Bagama’t bihirang mangyari, nilinaw ng ahensiya sa lubha itong mapanminsala kapag tumama sa sinumang mangingisda, maglalayag o sa anumang kalupaan.
Kadalasan daw itong nagtatagal ng 10 hanggang 30 minuto bago tuluyang mawala.
Facebook Comments