Wednesday, November 18, 2026

WCPC-VISAYAS, nagsampa na ng kaso laban kay Thomas Markle Sr. kaugnay ng sexual abuse at child exploitation

Nagsampa na ang Women and Children Protection Center (WCPC) – Visayas Field Unit ng kasong kriminal laban kay Thomas Markle Sr. na sangkot sa umano’y sexual abuse at child exploitation.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Allen Rae Co, isinumite ng WCPC-Visayas ang reklamo laban sa nasabing dayuhan noong November 16 at binigyan sila ng evaluation number kahapon, November 17.

Kabilang sa mga kasong sinampa ang paglabag sa Republic Act 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation (OSAEC) and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Ang nasabing reklamo ay sasailalim sa evaluation at case build up.

Samantala, nagpapatuloy naman ang digital forensic examination sa mga nakuhang gamit ni Markle na nauna nang isinuko ng kaniyang anak sa Cebu.

Facebook Comments