
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na hindi saklaw ng pagbisita ni US President Donald Trump ang pagpirma sa kasunduan para sa planong pagtatayo ng Pax Silica hub sa bansa.
Sa gitna ito ng bilateral meeting sa pagitan nina PBBM at Trump na isinagawa ngayong tanghali sa Malacañang.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., hindi kasama sa pagbisita ni Trump ngayon ang pagpirma sa Pax Silica na una nang binabatikos ng marami lalo na ng mga maaapektuhang residente.
Sinabi rin ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na walang mangyayaring pagpirma ng Pax Silica, na isang US-led initiative, para masiguro ang supply chains sa artificial intelligence at iba pang teknolohiya.
Ang Pax Silica ang isa sa sentro ng mga kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula nang magsimula ang 49th ASEAN Summit and Related Summits noong Linggo.










