Manila, Philippines – Nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang tropical depression Maring at ang typhoon Lannie.
Ang bagyong Maring ay kumikilos na patungong Vietnam habang ang bagyong Lannie ay tutumbukin ang bahagi ng Japan.
Sa ngayon, nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bansa.
Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Palawan habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon.
Sa visayas, maganda ang panahon pero magkakaroon ng paminsan-minsang thunderstorms.
Maaliwalas din ang panahon ang buong Mindanao at asahan din ang mga isolated thunderstorms.
Wala nang nakataas ang gale warning sa anumang baybayin sa bansa.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 31 degrees celsius.
*Sunrise: 5:44 ng umaga*
*Sunset: 5:58 ng gabi*