Manila, Philippines – Patuloy na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang Low Pressure Area.
Partikular na apektado nito ang Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora.
Huling namataan ang lpa sa silangang bahagi ng Surigao City na siyang nagdudulot ring mga pag-ulan sa kasalukuyan sa Eastern Visayas, Bicol Region at Quezon Province.
Sinabi rin ng pagasa na apektado ng northeast moonson ang buong northern Luzon na magdadala ng mga pag-ulan at malamig na ihip ng hangin.
Samantala, kinansela ng Cebu Pacific ang ilan sa kanilang mga domestic flights dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa advisory na inilabas ng Cebu Pacific ngayong umaga, kanselado ang kanilang biyahe sa Tuguegarao City at ang biyahe mula sa Tuguegarao pabalik sa Maynila.
Facebook Comments