Weather Update

Manila, Philippines – Nakakaapekto ngayon ang tail end of a cold front sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.
Habang patuloy naman na nakakaapekto ang Northeast Monsoon sa Northern Luzon.
Bunsod nito, makakaranas ng kalat-kalat na mga pag-ulan sa mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mt. Province, Ifugao, Benguet at Aurora.
Samantalang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan ang inaasahan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Facebook Comments