WEATHER UPDATE | Bagyong Caloy, posibleng pumasok sa PAR mamayang gabi

Manila, Philippines – Asahan na ang pag-ulan sa eastern section ng bansa ngayong Holy Week dahil sa tropical storm Jelawat.

Sabi ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng tropical storm Jelawat sa layong 1,245 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Sa ngayon anila ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility ang tropical storm Jelawat.


At sa oras na pumasok ito sa par mamayang hapon o gabi o di naman ay bukas ng umaga ay tatawagin na itong Bagyong Caloy.

Ayon sa PAGASA, ang TS Jelawat ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 80 kilometers kada-oras.

Kumikilos ito ng pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 23 kilometers bawat oras.

Facebook Comments