WEATHER UPDATE | Localized thunderstorms, asahan na pagsapit ng hapon sa ilang bahagi ng Luzon

Patuloy na nakaka-apekto ang hanging habagat sa Northern Luzon kaya at asahan na ang mataas na tsansa ng pag-ulan sa Ilocos Region.

Makakaranas din ng magandang lagay ng panahon ang ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila pero pagsapit ng hapon, mas mataas ang tsansa ng localized thunderstorm.

Kaya at asahan na ang malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin.


Wala naman binabantayan na Low Pressure Area (LPA) na makaka-apekto sa ating bansa sa susunod na dalawang araw.

*Sunrise: 5:28am*
*Sunset: 6:28pm*

Facebook Comments