WEATHER UPDATE | Summer, posibleng ideklara sa katapusan ng Marso

Manila, Philippines – Posibleng sa katapusan ng Marso ay opisyal nang ideklara ng PAGASA ang simula ng tag-init dahil kasalukuyang nakakaapekto ang northeast monsoon o amihan sa hilaga at gitnang Luzon.

Dahil pa rin sa amihan, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at mga isolated thunderstorm sa Bicol region at sa Quezon province.

Sa Metro Manila, Ilocos Region at ilang bahagi ng gitnang Luzon, asahan ang bahagyang maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahinang pag-ulan.


Sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora naman ay inaasahang magiging maulap ang kalangitan na may mahihinang pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, maaliwalas na panahon ang maaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa, pero may posibilidad pa rin ng pulo-pulong pag-ulan.

Facebook Comments