Balak magsagawa ng welga ang mga miyembro ng Surigao Dockworkers Labor Union matapos hindi ibigay ang kanilang demands mula sa management ng Prudential Custom Brokerage Services Incorporated(PCBSI). Ayon kay Artiquio Alciso, ang Union President na hinihingi nilang gawing P430 ang sahod sa araw-araw, kasama ang P1,000 na water at electric allowance bawat buwan, kalakip din ang 15 days sick at vacation leave. Binigyangdiin nito na hindi totoong lugi ang PCBSI dahil sunod-sunod ang pagbili ng pamunuan ng iba’t ibang mga sasakyan at heavy equipments. Dagdag pa nito, may katapusang negosasyon pa sila hanggang sa Agosto 17 at kung walang mangyayari, itutuloy na nila ang pagsasagawa ng welga na kung saan inaasahan ang pagparalisa sa operasyon sa loob ng Port Area sa Bilang-Bilang, Brgy. Taft, Surigao City.
Welga balak isagawa ng mga miyembro ng Surigao Dockworkers Labor Union
Facebook Comments