Inalerto ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ang puwersa nito sa Basilan laban sa mga terror group na posibleng manggulo sa Halalan 2022.
Ayon kay WesMinCom Commander Major General Alfredo Rosario Jr., dapat maghanda sa posibleng “worst case scenario” ang mga tropa sa Basilan dahil maaaring magtangka ang mga terrorist group na guluhin ang eleksyon.
Nabatid na ang Basilan ay posibleng masama rin sa ilalim ng COMELEC control dahil sa mataas na banta ng karahasan.
Bumisita si Rosario sa mga tropa ng Joint Task Force Basilan kung saan binigyan ito ng security briefing kaugnay sa pagpapatupad ng seguridad sa kanilang area of responsibility ngayong halalan.
Facebook Comments