Monday, February 9, 2026

West Philippine Sea Mural Festival, ilulunsad bukas sa BGC, Taguig

Nakatakdang ilunsad bukas ang West Philippine Sea 2026 Mural Festival sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Layon nitong hikayatin ang mga Filipino artist na gamitin ang sining para isalaysay ang kwento ng mga mangingisda at ang kahalagahan nito sa ecology ng West Philippine Sea (WPS).

Nais din ng mga organizer na palalimin ang kamalayan ng publiko sa usapin sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Pangungunahan ng Flilipino artist na si Amado Guererro Saño ang festival bilang festival director kasama si Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela at dating Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Bukas ang festival para sa mga individual artist, artist collective, student group, at community base organization.

Tatalakay ang mural sa mga temang kaugnay ng Pagkakakilalan Pilipino, Buhay Dagat at Baybayin, Pangangalaga sa Kalikasan Kapayapan, Ang Pag-asa para sa Susunod na Henerasyon.

Panawagan ng organisasyon na ipagtanggol ang karagatan hindi lamang sa pamamgitan ng polisiya at diplomasya kundi pati na rin sa sining at malikhaing pamamahayag.

Facebook Comments