May anim ng COVID-19 laboratories na operational ang Western Visayas ayon sa Department of Health (DOH) 6. Ayon kay Dr. Renilyn Reyes ng DOG-6 maliban sa Western Visayas Medical Center SubNational Laboratory makaproseso na rin ng RT PCR test ang Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa Bacolod City, Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital sa Silay City, at QualiMed Hospital sa Iloilo City. Nitong huli ay na-certify na rin ng Research Institute for Tropical Medicine para maka operate ang The Doctors Hospital Inc. Molecular Laboratory at Bacolod Queen of Mercy Hospital-Molecular Laboratory, na parehong nasa Bacolod City ag nagsimula na ito noong nakaraang linggo. Nakatakda namang maglabas ng memorandum ang DOH-6 sa zoning sa pagproseso ng mga specimens.
Western Visayas, meron ng 6 na mga COVID-19 laboratories – DOH -6
Facebook Comments