WHO-PHILIPPINES TUMULONG PARA PALAKASIN ANG PAS NG 17 BAYAN SA LALAWIGAN NG AKLAN

New Washington, Aklan – Nagbigay ng tulong ang World Health Organization WHO-Philippines sa lalawigan ng Aklan para palakasin ang Performance Accountability System (PAS) ng 17 bayan dito.
Dalawang araw na Capacity Building Activity ang isinagawa ng WHO sa mga miyembro ng Provincial PAS Technical Working Group (TWG) para sa pagpapabuti ng kanilang kaalaman at kasanayan para epektibo itong maipaabot ng PAS sa mga LGU’s ng lalawigan.
Ang nasabing aktibidad ay phase 2 o ikalawang yugto ng WHO Sub-National Initiative para matukoy ang problema sa Reproductive, Maternal, Newborn, Child, Adolescent, Health at Nutrition programs.
Sa phase 1, ng nasabing aktibidad 7 pilot LGU’s lamang ang unang pinatnubayan sa Aklan. Ang nasabing mga pilot LGU’s ang siyang binigyan ng oras para alamin ang kanilang problema pangkalusugan at kung paano magsagawa ng pambihirang tagumpay sa pagresolba sa problemang pangkalusugan na ito.
Facebook Comments