Kalibo, Aklan — “We Make Change, Work for Women”. Ito ang tema ngayon para sa paggunita ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.
Dahil dito, isa rin ang Kalibo PNP sa mga gumugunita at nagbibigay importansya sa mga kababaehan.
Sa Programang Straight to the Point sinabi ni PSMSgt. Lerlyn Roberto Chief ng WCPD na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya at paglilibot sa mga eskwelahan at barangay para na magsagawa ng information dissemination.
Ayon pa sa kanya na ngayong taon ay bumama ang numero ng kaso ng mga lumabag sa Violence Against Women and Children Act kumpara noong mga nagdaang taon.
Karamihan din anya sa mga dinudulog sa kanilang opisina ay ang kaso sa R.A. 9262, paghingi ng advise tungkol sa kanilang asawa, live-in partner at kung ano ang tamang pagdidisiplina sa kanilang mga anak para na hindi naman sila mai-reklamo ng child abuse at kanila rin naman itong binibigyan ng tamang advise.
Kanya ring sinabi na ang mga gustong magreklamo at walang oras na pumunta sa police station ay pwede ring pumunta sa barangay at mag complain sa Barangay VAW Desk para agarang mabigyan ng aksyon ang problema.
Samantala, dahil sa karamihan ngayon sa mga sangkot sa krimen ay ang mga minor de edad o tinatawag na Child In-Conflict with the Law (CICL) ay patuloy ang kanilang implementasyon ng curfew, nere-rescue ang mga makikitang minor de edad na pagala-gala sa gabi kasama ang mga taga barangay at i-turn over sa kanilang mga magulang.
Pina alalahanan nya rin ang mga magulang na sikaping nasa kanilang bahay ang mga anak pagsapit ng alas 6:00 ng gabi at hindi na ito pagala-gala o maka gawa pa ng hindi maganda.
Ipinaabot naman nito sa mga mag-asawa na ngayong buwan ng Marso na selebrasyon ng Women’s Month ay bigyan rin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawa ng oras, mag date o yong something na maging special ang kanilang mga asawa.
Women’s Month, ginugunita ngayon buwan ng Marso
Facebook Comments