World leaders, nagpaabot ng tulong sa Beirut, Lebanon

Tiniyak ng ilang world leaders ang tulong na ibibigay sa Lebanon matapos ang nangyaring pagsabog.

Nabatid na higit isang daang katao ang nasawi sa malakas na pagsabog, habang libu-libo naman ang sugatan.

Una nang nakiramay ang European Union President na si Charles Miche at nanindigang handa itong magbigay ng tulong at suporta sa mga biktima.


Agad ding nagpadala ng tulong si French President Emmanuel Macron.

Samantala, maliban dito, nangako rin ng suporta ang Germany, Iran, Israel, Italy, Malaysia, Qatar, Saudi Arabia, Turkey, United Kingdom at United States.

Facebook Comments