YUMMY! | 877-pound Bluefin Tuna, nabingwit sa North Carolina

North Carolina – Record-breaker ang nabingwit na Bluefin Tuna ng isang grupo ng mga mangingisda sa Delaware, North Carolina.

Ayon sa North Carolina Division Of Marine Fisheries – may bigat na 877-pound ang tuna na daan-daang mas mabigat sa nabingwit nila noong 2011 na may bigat lang na 72 pounds!

May haba ito na katumbas ng dalawang tao.


Kwento ni retired Army General Scott Chambers – inabot siya ng dalawa’t kalahating oras bago tuluyang naiangat ang dambuhalang isda.

Samantala, may bigat na 1, 496 pounds ang pinakamalaking bluefin tuna sa mundo na nahuli sa karagatan ng Nova Scotia noong 1979.

Facebook Comments