ZERO CASUALTIES SA GITNA NG BAGYONG UWAN, NAIULAT SA DAGUPAN CITY

Walang naitalang pinsala sa buhay mula sa Bagyong Uwan sa Dagupan City, ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa opisyal na abiso kaninang alas onse ng umaga, wala pang iniulat na nasawi ang mga residente dulot ng malakas na ulan at hangin.

Nananatiling nakahanda ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kasama ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) at iba pang emergency response teams para tugunan ang anumang insidente.

Bagaman walang casualty, patuloy naman ang pagbabantay sa mga low-lying areas at mga barangay na madalas bahain upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments