![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/ZERO-CRIME-INCIDENT-NAITALA-SA-PAGDIRIWANG-NG-BAMBANTI-FESTIVAL-2025.jpg?resize=696%2C696&ssl=1)
CAUAYAN CITY – Sa kabila ng libu-libong dumalo, mula sa lokal hanggang internasyonal, naging matagumpay at mapayapa ang pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025 sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Police Colonel Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, walang naitalang krimen o kaguluhan sa buong linggo ng pista mula ika-labing siyam ng Enero hanggang ika-dalawamput’ lima ng Enero.
Ang tahimik at maayos na selebrasyon ay dulot ng masusing pagpaplano, epektibong pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad, at ang aktibong pakikiisa ng komunidad.
Mahigit anim na daang (600) kapulisan ang itinatalaga sa buong selebrasyon, katuwang ang mga ahensya tulad ng Provincial Safety Office ng Isabela, BFP Isabela, CTMG/POSMO, PECU Isabela, HPG, PSPG, iSMART, PDRMMO, CDRRMO, 201st RMFB, at iba pang lokal na ahensya.
Nagpasalamat din ang Isabela Police Provincial Office sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, mga ahensya ng nagpapatupad ng batas, pati na rin sa mga residente at turista, sa kanilang partisipasyon upang gawing modelo ang lalawigan sa pagpapatupad ng kaayusan at seguridad.