Imbestigasyon ng Kamara sa mga nagkakalat ng fake news, kasado na

Kasado na ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay ng talamak na pagkalat ng fake news at disinformation sa publiko lalo na ang para sa sarili at political na interes.

Isasagawa ito ng Tri-Committee na binubuo ng Committee on Public Order and Safety, Committee on Public Information, at Committee on Information and Communications Technology.

Ngayong lunes ay magsasagawa muna ng executive briefing ang tri-comm na pangungunahan ni Sta. Rosa Representative Dan Fernandez.

Ayon kay Fernandez, kailangang matugunan agad ang malawakang disinformation o pagpapakalat ng maling impormasyon para linlangin ang publiko na nakakaapekto sa pambansang pagkakaisa, kaayusan sa lipunan at mga demokratikong proseso.

Binanggit ni Fernandez na tututukan din ng imbestigasyon ang mga panganib na dulot ng fake news sa mga ordinaryong Filipino, lalo na sa kabataan at mga mahihirap nating kababayan na madalas biktima ng cyberbullying at online harassment.

Facebook Comments