‘ZERO HUNGER’ Goal ng LGU Cauayan, Ipinagmalaki

Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang bahagyang pagtaas sa 1.65 % ng bilang ng mga batang maituturing na hindi na kabilang sa underweight/malnourish children para sa ikalawang quarter ng taong 2020.

Ito ay bahagi pa rin ng 46th Nutrition Month Celebration na may temang: *“Batang Pinoy SANA TALL… Iwas stunting, SAMA ALL!”*

Ayon kay Ginang Maria Juana Yadao, Nutrition Officer, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang rehabilitasyon para sa mga batang kulang ang timbang upang tuloy-tuloy na matugunan ang kanilang sitwasyon ng kalusugan.


Aniya, sa bilang na mahigit 16,000 na bata sa lungsod ay mahigit sa 200 lang ang maituturing na apektado ng malnutrisyon o kakulangan sa timbang kaya’t panawagan sa mga magulang na pag-ibayuhin pa rin ang pagpapakain ng masusustansyang pagkain.

Dagdag pa ng opisyal, sa bagong silang na sanggol ay kinakailangan ang exclusive breastfeeding na siyang pangunahing kailangan ng mga ito para sa mas malusog na pangangatawan ng isang bata.

Bukod dito, sa 120 days Gender and Development Program ay nakapamili ng 100 benepsiyaryo ng patuloy na pagpapakain sa mga bata mula sa Brgy. Sta. Luciana at Maligaya.

Samantala, nakatakdang magpamahagi ng libreng tsinelas mula sa mga donors ang Lokal na Pamahalaan para sa mga bata habang 200 piraso ng alkansya para sa mga ina na kanilang magagamit sakaling kailanganin nila ito sa panganganak.

Isa ang ‘Zero Hunger’ sa hangarin ng LGU para sa Sustainable Development Goals.

Facebook Comments