Zero Untoward Incident, Naitala sa Pagpapatuloy ng Gawagaway-Yan Festival; POSD, Naka-Full Alert Ngayong Semana Santa

Cauayan City, Isabela- Maituturing pa rin na payapa ang kasalukuyang pagdiriwang ng Gawagaway-yan festival sa Lungsod ng Cauayan dahil walang naitala na anumang untoward incidents mula pa noong nag umpisa ang mga aktibidades na nakapaloob sa festival ng Cauayan.

Sa pagpapatuloy ng pagsasagawa ng mga aktibidades sa Gawagaway-yan festival at Cityhood Anniversary ng Cauayan, sinabi ni POSD Chief Pilarito Mallillin na wala pang naiulat na may naitalang hindi kanais-nais ngayong ipinagdiriwang ang Gawagaway-Yan festival maliban na lamang sa ilang nahuhuli na lumalabag sa batas trapiko at nararanasang traffic sa poblacion area at sa ilan pang mga lugar na pinagdarausan ng mga aktibidad.

Bagamat wala nang gaanong restrictions ay nagpaalala si Malillin na huwag pa rin magpakampante dahil nandyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Samantala, naka full alert na rin ngayong Semana Santa ang lahat ng mga miyembro ng POSD kung saan mahigpit na babantayan ang mga ilog lalo na sa mga madalas pinupuntahan ganun na rin sa mga lugar na dinadagsa ng maraming tao tulad ng simbahan.

Mahigpit aniyang ipinagbabawal ngayong mahal na araw ang pagligo o picnic sa mga ilog para maiwasan ang pagkalunod o anumang hindi magandang pangyayari.

Katuwang ng POSD ang PNP Cauayan at iba pang law enforcercement unit sa pagbabantay ngayong semana ganundin ngayong panahon ng Summer.

Hinihiling din sa lahat ang kooperasyon ng bawat isa na tumalima sa mga ipinagbabawal ngayon nang sa ganon ay maipagdiwang natin ng maayos at payapa ang Gawagaway -yan festival ganun din itong Holy Week.

Facebook Comments