PNP, nakamit na ang zero case sa COVID-19

45

Nakuha na ng Philippine National Police ang target na zero case sa COVID-19.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen Roderick Alba, gumaling na kahapon ang nag iisa nilang tauhan na may COVID-19 kaya opisyal nang COVID free ngayon ang PNP.

Pero patuloy ang kanyang paaalala sa kanilang mga tauhan na sumunod sa health protocol at istrikto itong ipatupad sa mga kampo.


Matatandaan na nito lang Enero, umabot sa mahigit 4,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Habang nanatili naman sa 129 ang mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments