Chaplain Service ng PNP may mga aktidad para sa Mahal na Araw

37

Nakikiisa rin ang mga pulis sa Camp Crame para sa paggunita ng Mahal na Araw.

Ayon sa Chaplain Service ng Philippine National Police, mayroon silang mga aktibidad na inilatag ngayong linggo na maaring lahukan ng mga pulis sa kampo.

Kabilang dito ang Lenten Recollection at Kumpisalang Bayan mula Lunes hanggang Myerkules Santo.


Maging misa at vigil sa Huwebes Santo, Station of the Cross at prusisyon ng Holy interment sa buong kampo sa Biyernes Santo

Magkakaroon din ng Easter vigil at salubong sa Sabado de Gloria at Easter Sunday Mass.

Facebook Comments