Friday, March 13, 2026

𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗢 𝗣𝗥𝗜𝗗𝗘, 𝗧𝗢𝗣 𝟯 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗢𝗟𝗢𝗚𝗜𝗦𝗧 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠

Cauayan City – Isang Proud Cagayano ang nakapag-uwi ng karangalan matapos na mapabilang sa listahan ng mga National Topnotchers sa katatapos na March 2026 Medical Technologist Licensure Examination.

Kinalala ang proud Cagayano na si Marc Ian Bunagan Tuddao, isang tubong Enrile, Cagayan, na kinilala bilang Top 3 National Topnotcher sa March 2026 Medical Technologist Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng eksaminasyon, nakuha ni Tuddao ang ikatlong pwesto sa buong bansa matapos makapagtala ng 92.80% na average.

Natapos niya ang kanyang sekundarya sa Magalalag National High School, habang nagtapos naman siya ng kursong Bachelor of Science in Medical Laboratory Science (BSMLS) sa Cagayan State University – Andrews Campus.

Ayon kay Tuddao, ang matibay na pananalig sa Diyos ang naging pangunahing sandigan niya habang naghahanda para sa board exam. Tulad din ng ibang mga nagreview, aminado siyang dumaan siya sa mga pagkakataong nagduda sa sarili. Gayunman, pinili niyang kumapit sa paniniwalang gagabayan siya ng Panginoon upang malampasan ang pagsusulit.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Tuddao na matagal na niyang pinangarap na maging topnotcher. Aniya, madalas niyang sabihin sa kanyang mga kaibigan na kahit ano pa ang mangyari ay makakapasa sila, at ang layunin niya ay mapabilang sa mga nangunguna sa pagsusulit na kanya namang nakamit dahil sa kanyang pagsisikap.

Facebook Comments