Cauayan City – Pinagkalooban ng kabuhayan projects ang 30 mga dating rebelde mula sa San Mariano, Isabela.
Ang programang ito ay naging posible sa tulong ng DOLE-Isabela sa pamamagitan ng PESO San Mariano.
Umabot sa P700,000 ang kabuoang halaga ng kabuhayan projects na ipinamahagi sa mga dating lider at miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Ang kabuhayan package na kanilang natanggap ay nagkakahalaga ng P23,000 hanggang P25,000, depende sa napili nilang negosyo na maaari nilang palaguin.
Pinasalamatan naman ni DOLE-Supervising Officer Froctoso C. Agustin ang lokal na pamahalaan ng San Mariano maging ang miyembro ng AFP dahil sa agarang pag-proseso ng mga kinakailangang dokumento.
Ayon naman sa isang benepisyaryo, ganito rin ang ipinangako ng mga NPA sakanila kaya’t nahikayat silang umanib sa kilusan ngunit lahat ng ito ay napako.
Ngayon na sila ay muling nagbalik-loob sa pamahalaan, kanilang nakita kung sino talaga ang tunay na nagmamalasakit sa kanila.