π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—•π—¨π—§π—œπ—’π—‘ π—‘π—š π—£π—›π—œπ—Ÿπ—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› 𝗖𝗔π—₯𝗗𝗦 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—‘π—œπ—–π—’π—Ÿπ—”π—¦ π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔

Dahil sa layunin ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Pangasinan na mabigyan ng tulong ang mga mamamayan nito sa pamamagitan ng tulong pangkalusugan namahagi ang LGU ng PhilHealth Cards.
Sa ilalim ng Health Programs ng LGU, nabigyan ng siyamnapu’t tatlo (93) na indigents partikular sa mga buntis, persons with chronic illness, nagpapasusong mga ina at iba pang indigent na pamilya.
Sa pamamagitan ng cards na ito ay maaari magkaroon ng access sa iba’t ibang mga serbisyo na ibibigay ng Department of Health at Philhealth.

Ayon sa alkalde ng bayan na si Mayor Alicia L. Primicias-Enriquez , na pinondohan ng LGU ang programang ito upang magkaroon ng kaluwagan ang mga residente sa kanilang mga pangangailangang pangkalusugan at para hindi sila mabigatan sa gastos sa pagpapagamot sa inpatient o outpatient gayundin sa panahon ng kanilang panganganak at iba pa.
Ipagpapatuloy aniya na bigyang prayoridad ang health programs para mabigyan ng tulong ang kanilang mga nasasakupan sa oras ng pangangailangan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments