
Cauayan City — Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na akusado sa kasong pagpatay sa isinagawang operasyon noong, Enero 16, 2026, dakong alas-6 ng gabi sa Brgy. San Francisco Sur, San Guillermo, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Bong,” 46 taong gulang, may asawa at isang magsasaka.
Batay sa ulat, ang warrant of arrest laban sa akusado ay inilabas pa noong Hunyo 30, 2003 ng Regional Trial Court Branch 16 sa Ilagan City kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at turnover procedures.
Ang operasyon naman ay pinangunahan ng Naguilian Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO at ang Regional Intelligence Unit 2 – PIT Isabela East.
Source: PNP ISABELA
photo: for illustration only
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










