Cauayan City – Tinipon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang lahat ng mga alkalde sa buong lalawigan upang pag-usapan ang magaganap na selebrasyon ng Bambanti Festival 2025.
Pinangunahan ni Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, ang siyang Director General ng Bambanti Festival 2025 ang nabanggit na pagpupulong kung saan kabilang sa mga tinalakay ay ang mga specifications para sa agri-tourism booths, giant scarecrows, at ang Queen Isabela 2025.
Samantala, bagong aktibidad naman ang nakatakdang maidagdag at kabilang na rito ang Drag Queen Isabela para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Inihayag naman ni Vice Governor Dy na ang tema ng Bambanti Festival 2025 ay iikot lamang sa “Bagong Pilipinas” movement ng kasalukuyang administrasyon.