Ipatutupad na ang ₱20- ₱30 minimum na pamasahe para sa tricycle sa Dagupan City simula Enero 2026, batay sa bagong ordinansang aprobado na ng Sangguniang Panglungsod.
Sasaklawin ng ₱20 ang unang 2 kilometro, habang ₱10 ang magiging dagdag na singil sa bawat susunod na kilometro mula sa mga non-holding areas, habang P30 naman ang minimum solo fare sa mga special hire.
Apat na pasahero lamang ang maximum na bilang na maaring isakay sa tricycle, kabilang pa ang pagpapatupad ng night differential mula 9PM hanggang 5AM at karagdgang bayad na P10 para sa mga bagahe na higit 50 kilos ang bigat.
Mananatili naman ang 20% discount para sa senior citizens, PWD, at mga estudyante.
Bilang bahagi naman ng service at conduct standards, ipinag-utos ang pagbabawal sa pagtanggi sa pasahero maliban sa banta sa kaligtasan at kondisyon maging ang angkop na pakikitungo at kalinisan ng sasakyan at ng driver- mga hinaing na inihayag ng mga commuters noong public consultation.
Kasabay ng bagong pamasahe, mahigpit din na ipagbabawal ang “pakyaw” o fare contracting upang maiwasan ang overcharging.
Magkakaroon naman ng 2-week dry run bago ang full implementation upang maipaliwanag sa publiko ang mga bagong patakaran, kasama na ang QR code system.
Ang bagong fare system ay bahagi ng hakbang ng lungsod upang magkaroon ng mas maayos at patas na pamasahe para sa mga pasahero at tricycle drivers sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









