
Cauayan City – Nahuli ng mga kapulisan sa Cauayan City, Isabela ang isang pribadong empleyado matapos mahuling may dalang hindi lisensyadong baril sa gitna ng ipinatutupad na COMELEC Gun Ban.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rye”, at tinatayang nasa wastong edad.
Una nang pinara ng mga pulis ang suspek dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod sa pagmamaneho ng motorsiklo nang walang helmet at overloading.
Nang hingin ang mga dokumento ng sasakyan, boluntaryo niyang binuksan ang U-box ng kanyang motorsiklo kung saan nakita ang isang caliber 22 revolver at bigong magpakita ng kaukulang papeles.
Dahil dito, inaresto siya ng mga awtoridad si alyas “Rye” at dinala sa himpilan ng pulisya upang sampahan ng kaso sa ilalim ng BP 881 (Omnibus Election Code) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).