Aprobado na ang panukalang nagtatakda ng 30% na kaltas sa singil mula sa mga stalls at 50% sa market fee occupancy para sa mga nagtitinda ng pangunahing bilihin sa pamilihang bayan ng Tayug upang pagaanin ang sitwasyon ng mga lokal na manlalako.
Sa bisa ng ordinansa, nasa P2,800 hanggang P3,500 na lamang ang babayaran ng mga nakapwesto sa front, back at corner stalls; habang nasa P210 na lamang ang babayaran ng mga nasa fish at meat section.
Nasa P10 hanggang P25 naman ang pinababang singil sa mga manlalako sa dry section depende sa produktong ibinebenta.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang halagang babayaran ay ibinase sa kada square meter o bahagi ng pwesto kada buwan.
Umaasa naman ang mga konsyumer na susunod na bababa ang mga produktong mabibili sa pamilihan dahil sa pagbaba ng singil sa upa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










