
Sinimulan na ng grupong MANIBELA ang kanilang kilos-protesta sa Philcoa ngayong Miyerkules, April 15.
Kabilang sa kanilang mga panawagan ang rollback sa presyo ng langis, pagsususpinde ng excise tax at value-added tax (VAT) sa petrolyo, at pagbasura sa Oil Deregulation Law.
Sa kasalukuyan, mga miyembro pa lamang ng MANIBELA ang nasa lugar. Gayunman, ayon kay Mar Valbuena, inaasahan pang darating ang iba pang kalahok mula sa iba’t ibang transport groups.
Facebook Comments










