LALAKING WANTED SA KASONG MURDER, ARESTADO SA DAGUPAN CITY

Naaresto na ng mga awtoridad ang isang 56-anyos na pintor na itinuturing na matagal nang wanted sa kasong Murder sa isinagawang operasyon noong Abril 14, 2026 sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant na inisyu ng korte, at walang itinakdang piyansa.

Ayon sa pulisya, kinilala ang suspek bilang residente ng Brgy. Mayombo District na kabilang sa mga tinutugis ng mga awtoridad kaugnay ng high-profile case.

Resulta ng joint operation ng Dagupan City Police Station 2 at City Investigation and Detection Management Unit ang matagumpay na pagkakadakip sa akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang proseso ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments