
CAUAYAN CITY – Dumating sa Jinan County nitong ika-sampu ng Marso ang unang batch ng re-entry Farmers para sa 2026 sa ilalim ng Seasonal Workers Program.
Binubuo ang grupo ng 10 magsasaka mula sa Isabela, kabilang ang apat na babae at anim na lalaki.
Sa kabuuang bilang, isang magsasaka ang nasa ikalawang kontrata, apat ang nasa ikatlo, dalawa ang nasa ikalima, at tatlo naman ang nasa ika-anim na kontrata sa programa.
Ayon sa ulat, pinaboran ang kanilang pagbabalik matapos silang irekomenda ng kanilang mga dating landowner dahil sa maayos na trabaho, disiplina, at pagiging maaasahan.
Dahil dito, muling nabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na makapagtrabaho sa sektor ng agrikultura sa Jinan County sa South Korea.
Facebook Comments










