Nasa 2,201 magsasaka at mangingisda sa Mangaldan ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks Program na isinagawa noong Abril 22, 2026 sa bayan ng Sta. Barbara.
Bahagi ito ng programa ng Department of Agriculture na naglalayong magbigay ng agarang suportang pinansyal sa mga kwalipikadong benepisyaryo, partikular ang mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Ayon sa mga opisyal, layunin ng inisyatibo na mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa pamamagitan ng direktang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na patuloy na nagsisilbing haligi ng produksyon ng pagkain sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








