
Arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng pulisya sa Bayambang.
Ayon sa ulat, naganap ang operasyon bandang 9:58 ng gabi noong Abril 28, 2026 sa Sitio Pocdol, Barangay Bani.
Pinangunahan ito ng Bayambang Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.
Nahuli ang suspek matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang “shabu” sa isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.
Kaagad siyang inaresto ng mga operatiba at isinailalim sa incidental search.
Sa nasabing operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang buy-bust money at isa pang sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Tinatayang may kabuuang timbang na 1.9 gramo ang nakuhang ilegal na droga na may halagang humigit-kumulang ₱12,920.
Kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek para sa paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










