TUMAWAG MUNA BAGO MAG-LIVE: BFP URDANETA CITY, NAGPAALALA SA AGARANG PAGTAWAG SA EMERGENCY MATAPOS ANG SUNOG SA BRGY. NANCAYASAN

Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection Urdaneta City na unahin ang agarang pag-uulat ng emergency upang makaresponde bago mag-live sa social media.

Ito ay kaugnay sa nangyaring sunog noong madaling araw ng Abril 20, sa dalawang bahay sa Brgy. Nancayasan, na kinasawian ng anim na mag-anak.

Matatandaan na matapos ang insidente, naging mainit ang atensyon ng publiko online hinggil sa oras ng pagresponde ng ahensya, na umano’y posibleng naantala dahil hindi ito agad naitawag, sa kabila ng kaliwat kanang video na kumalat sa social media.

Sa parehong araw, agad ding pinatawag ang ahensya upang talakayin ang naging response time sa insidente sa ginanap na sesyon ng Sangguniang Bayan.

Samantala, bunsod ng nangyaring sunog, hinikayat ng isang mambabatas ang pagsusuri sa Disaster Risk Reduction and Management Plan ng bayan upang gawing moderno at angkop sa pangangailangan ng komunidad ang mga kagamitan at protocol sa pagresponde sa sunog.

Facebook Comments