
Isinusulong ni Camille Villar ang agarang pag-apruba sa panukalang batas na maglalaan ng sapat na pondo para sa mga pasyenteng may kanser.
Sa panukala ng senadora, itatatag ang ₱10-bilyong Cancer Medicine and Treatment Assistance Fund na gagamitin para sa gamutan ng mga mahihirap na cancer patients.
Ipatutupad ang programa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kapag ito ay naisabatas.
Layunin ng panukala na makapagtatag ng isang pambansang programa na magbibigay ng libreng gamot at paggamot laban sa kanser sa pamamagitan ng mga PhilHealth-accredited na pampublikong ospital sa bawat lalawigan.
Ayon kay Villar, dapat maging abot-kaya at accessible ang gamutan laban sa kanser, lalo pa’t nananatili itong isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa.










