Napakaraming talentado sa Pangasinan pagdating sa musika kung kaya’t isasagawa ang battle of the bands sa bayan ng Calasiao bilang bahagi ng nalalapit na Puto Festival ngayong Disyembre 9 ngayong taon.
Sampung competing bands ang maghaharap-harap sa nasabing aktibidad. Bawat miyembro ng banda ay may isang residente ng bayan ng Calasiao. Layunin ng aktibidad na ito ay upang makita kung gaano kahusay ang mga Calasiaoenos sa iba’t ibang larangan, kung gaano ka-sporty ang mga bandista sa Pangasinan at makapagbigay saya narin sa mga turista na manonood.
Nang dahil sa musika, gumaganda ang ating pakiramdam. Marami sa atin ang kinahihiligan ang musika kaya naman suportahan niyo mga idol ang inyong mga pambato at makipag rakrakan na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments