𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗡

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa katao matapos ang naganap na aksidente sa bayan ng Pozorrubio.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Roy Bussing at ang driver ng motor na si Ricardo Cachola.
Ayon sa imbestigasyon naganap ang aksidente sa bahagi ng Brgy. Cablong pasado alas dos ng madaling araw kung saan ay patawid ang biktima sa kalsada.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, nag aalinlangan umano na tumawid ang biktima at bigla na lang tumigil sa gitna ng highway kung saan ay dito na nabangga ng paparating na motor ni Cachola.
Dahil dito ay tumilapon ang biktima maging ang driver ng motor at agad naman silang isinugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments