𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢

Patay ang Isang katao habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlo iba pa sa naganap na banggaan ng dalawang motor sa bayan ng Pozorrubio.

Kinilala ang namatay na biktima na si Mitch Domingo, residente ng nasabing bayan habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng sinakyang motor nito na si Jhon Tambot at kabanggaan nilang motor na minamaneho ng isang Kurt Basada at angkas nito na si Darly Rillera.

Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente ng tatawid sana ang motor nina Domingo para bumalik sa kanilang linya subalit sakto namang padating ang motor nina Basada at dito na nagpang-abot ang kani-kanilang sinasakyang motorsiklo dahilan ng head-on collision.

Dahil dito ay tumilapon ang apat na mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng mga katawan na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival si Domingo habang kasalukuyang inoobserbahan pa ang tatlong iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments