Thursday, March 12, 2026

β€Žπ—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—œπ—‘π—’π—‘π—š 𝗑𝗨π—₯π—¦π—˜, π—™π—œπ—‘π—œπ—¦π—›π—˜π—₯ 𝗦𝗔 𝗛𝗬π—₯𝗒𝗫 π—ͺ𝗒π—₯π—Ÿπ—— π—™π—œπ—§π—‘π—˜π—¦π—¦ π—₯π—”π—–π—˜ β€Ž

β€ŽCauayan City – Ikinagagalak ng lalawigan ng Isabela ang tagumpay ng tubong San Mariano na si Jerald Timbreza Corpuz matapos niyang makumpleto ang The World Fitness Race – HYROX 2026 na ginanap sa Mandalay Bay Convention Center sa Las Vegas, Nevada.
β€Ž
β€ŽNaitala niya ang oras na 1:38:06 laban sa libo-libong kalahok mula sa iba’t ibang bansa.
β€Ž
β€ŽAng HYROX ay isang pandaigdigang fitness competition na pinagsasama ang pagtakbo at iba’t ibang functional workout stations. Kilala ito bilang β€œWorld Series of Fitness” dahil sa matinding pagsubok nito sa lakas, tibay ng katawan, at endurance ng mga atleta.
β€Ž
β€ŽBukod sa pagiging atleta, si Corpuz ay isang registered nurse sa Pilipinas, Saudi Arabia, at Estados Unidos. Nagsimula lamang ang kanyang fitness journey noong Disyembre 2023 ngunit agad niyang napatunayan ang kanyang kakayahan sa international fitness racing event.
β€Ž
β€ŽSa kasalukuyan, nagtatrabaho siya bilang ICU nurse sa California Pacific Medical Center – Van Ness Campus sa Estados Unidos.

Photo credit: Jerald Timbreza Corpuz

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments