Thursday, June 4, 2026

PEDESTRIAN LANES SA DAGUPAN,PINAPAAYOS BAGO ANG PAGBUBUKAS NG KLASE

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase, pinapa-refresh ng lokal na pamahalaan ang mga pedestrian lane sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, lalo na sa mga lugar malapit sa mga paaralan.

Ayon sa mga opisyal, kabilang ang mga pedestrian sa mga pinaka-nanganganib na sektor sa oras ng aksidente sa kalsada, kaya mahalagang matiyak na ang mga pedestrian lane ay malinaw na namamarkahan at nirerespeto ng mga motorista.

Nagpaalala sina POSO Chief Arvin Decano at CDRRMO Chief Ronaldo De Guzman sa mga motorista na magmenor, magbigay-daan, at mag-ingat tuwing may pedestrian lane upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

Isinasagawa ang repainting at maintenance ng mga pedestrian lane sa pangunguna ng City Engineering.

Layunin ng programa na gawing mas malinaw, mas nakikita, at mas ligtas ang mga tawiran para sa mga estudyante, magulang, guro, at iba pang mga pedestrian na araw-araw na gumagamit ng mga pangunahing lansangan ng lungsod. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments