Monday, June 1, 2026

Pagbabantay sa mga kaganapan sa Sandiganbayan, patuloy pa rin kasunod ng pagsuko ni Sen. Estrada sa awtoridad

Nagpakita sa Sandiganbayan 5th Division ngayong Lunes ng hapon, June 1, si DPWH Assistant District Engineer Denryl Caesar Sanchez Cortuna.

Kasunod ito ng paglalabas ng arrest warrant laban kay Senator Jinggoy Estrada at iba pang akusado, kabilang si Cortuna, sa mga kasong plunder at graft na may kaugnayan sa maanomalyang flood control project.

Gayunpaman, hindi pa kinukumpirma ng Sandiganbayan kung si Cortuna ba ay sumuko sa awtoridad.

Samantala, sa Quezon City Jail sa Payatas naman ide-detain sina Senator Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan ayon sa Sandiganbayan 5th Division Clerk of Court.

Habang ikakasa naman sa Martes, June 2, ng Sandiganbayan 2nd Division ang arraignment hearing sa mosyon ni Senator Estrada na ibasura ang kasong graft na isinampa sa kaniya.

Facebook Comments