Thursday, June 4, 2026

π—£π—”π—šπ—žπ—”π—œπ—‘ π—‘π—š π—œπ—¦π——π—” 𝗦𝗔 π—£π—œπ—‘π—”π—–π—”π—‘π—”π—¨π—”π—‘ π—₯π—œπ—©π—˜π—₯, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ—•π—”π—ͺπ—”π—Ÿ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—”π—‘π—š π—™π—œπ—¦π—› π—žπ—œπ—Ÿπ—Ÿ π—œπ—‘π—–π—œπ——π—˜π—‘π—§

β€ŽCauayan City – Naglabas si Benito Soliven Mayor John Paul S. Azur ng Executive Order No. 25 na nagbabawal sa pag-aani, pagbebenta, at pagkonsumo ng mga isdang nahuhuli sa bahagi ng Pinacanauan River de Ilagan matapos ang naitalang fish kill incident sa bayan.

β€ŽAyon sa ulat ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), humigit-kumulang 100 patay na isda ang namataan sa ilog sa Barangay Maluno Sur noong Mayo 28.

β€ŽDahil dito, nagsagawa ng pinagsanib na inspeksyon ang lokal na pamahalaan at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

β€ŽAng mga nakolektang samples at biological specimens mula sa apektadong lugar ay ipinadala sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa pagsusuri upang matukoy ang sanhi ng insidente.

β€ŽHabang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon, inirekomenda ng DENR ang mahigpit na pag-iwas sa paghawak at pagkain ng mga isdang mula sa naturang ilog.

β€ŽSinabi ng lokal na pamahalaan na mananatiling epektibo ang kautusan bilang pag-iingat sa kalusugan at kaligtasan ng publiko hanggang sa pormal itong bawiin o alisin ng mga awtoridad.

Facebook Comments